Matapos Ang Madilim na Pangyayari
Alas Siyete ng umaga, araw ng
Sabado, nagsimulang magsidatingan ang mga estudyante ng CEFI , upang makapanuod
ng isang indie film na pinamagatang "Taklub". Sa iba ito ay hindi
worth it panuodin dahil boring pero kung malalaman mo ang malalim na mensahe
nito ay maiintindihn mo ito nang lubusan.
Dahil sa sakuna na naranasan ng
ating mga kababayan sa Takloban, hirap na hirap sila ngayon sa buhay, hanggang
matuto na rin silang magnakaw.
Nang dumating si Erwin kasama ang
kanyang pamilya sa dati nilang tinitirhan ay naabutan nitong ninanakaw ang mga
yero ng bahay nila. Hinabol niya ang lalaki at pinagsusuntok niya ito. Siguro,
kaya nagawa nu'ng lalaki na magnakaw ay dahil sa kagutuman kaya naman hindi
niya rin ito masisisi ni Erwin.
Pinakita dito sa film na ito 'yung
time na nasusunog ang bahay na tent ni Renato at 'yung pagkamatay ng pamilya
nito dahil sa 'di napigilang apoy. Naipakita din 'yung kabagalan ng proseso ng
mga papeles sa bayan ng Takloban ng mga panahon na iyon. Siguro gusto talaga na
ipakita ng direktor na si Brilliante Mendoza kung ano talaga ang nararanasan ng
mga taga-Takloban ngayon.
Noong time na nagaalay lakad sina
Larry, ipinakita dito 'yung mga foreigners na tumutulong sa paggawa ng bahay.
Tsaka iyong kakulangan ng tulong ng ating gobyerno kahit ang daming pera natin,
gaya ng pagkain at inumin. Sa tingin ko ay nangyayari talaga ito sa totoong
buhay na sobrang kurap ng ating gobyerno kaya naman, hindi maibigay ang tulong
na dapat ay nararanasan ng ating mga kababayan.
Dahil sa sakunang naranasan ng
ating kababayan sa Tacloban, ang ilan sa kanila ay natuto nang magnakaw para
mabuhay. Naipakita ng direktor ng film na ito ang mga pangyayari na naranasan
ng ating mga kababayan sa Tacloban. Sa tunay na buhay ay mga taong naroroon na
tumutulong ay mga dayuhan at ang ating gobyerno ay sobrang bagal ng pag-aksiyon
kaya naman nakararanas pa rin ng kahirapan ang mga tao doon.
Sa film na ito ay naipapakita ang
reyalidad na buhay ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang
ilan ay gumagawa ng masasamang bagay pero hindi natin sila masisisi kung bakit
nila ito nagawa, dahil sa mga tao na nagnanakaw sa mga tulong na sana'y
kanilang napapakinabangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento