Huwebes, Pebrero 16, 2017






Matapos Ang Madilim na Pangyayari


Alas Siyete ng umaga, araw ng Sabado, nagsimulang magsidatingan ang mga estudyante ng CEFI , upang makapanuod ng isang indie film na pinamagatang "Taklub". Sa iba ito ay hindi worth it panuodin dahil boring pero kung malalaman mo ang malalim na mensahe nito ay maiintindihn mo ito nang lubusan.

Dahil sa sakuna na naranasan ng ating mga kababayan sa Takloban, hirap na hirap sila ngayon sa buhay, hanggang matuto na rin silang magnakaw.

Nang dumating si Erwin kasama ang kanyang pamilya sa dati nilang tinitirhan ay naabutan nitong ninanakaw ang mga yero ng bahay nila. Hinabol niya ang lalaki at pinagsusuntok niya ito. Siguro, kaya nagawa nu'ng lalaki na magnakaw ay dahil sa kagutuman kaya naman hindi niya rin ito masisisi ni Erwin.

Pinakita dito sa film na ito 'yung time na nasusunog ang bahay na tent ni Renato at 'yung pagkamatay ng pamilya nito dahil sa 'di napigilang apoy. Naipakita din 'yung kabagalan ng proseso ng mga papeles sa bayan ng Takloban ng mga panahon na iyon. Siguro gusto talaga na ipakita ng direktor na si Brilliante Mendoza kung ano talaga ang nararanasan ng mga taga-Takloban ngayon.

Noong time na nagaalay lakad sina Larry, ipinakita dito 'yung mga foreigners na tumutulong sa paggawa ng bahay. Tsaka iyong kakulangan ng tulong ng ating gobyerno kahit ang daming pera natin, gaya ng pagkain at inumin. Sa tingin ko ay nangyayari talaga ito sa totoong buhay na sobrang kurap ng ating gobyerno kaya naman, hindi maibigay ang tulong na dapat ay nararanasan ng ating mga kababayan.

Dahil sa sakunang naranasan ng ating kababayan sa Tacloban, ang ilan sa kanila ay natuto nang magnakaw para mabuhay. Naipakita ng direktor ng film na ito ang mga pangyayari na naranasan ng ating mga kababayan sa Tacloban. Sa tunay na buhay ay mga taong naroroon na tumutulong ay mga dayuhan at ang ating gobyerno ay sobrang bagal ng pag-aksiyon kaya naman nakararanas pa rin ng kahirapan ang mga tao doon.

Sa film na ito ay naipapakita ang reyalidad na buhay ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang ilan ay gumagawa ng masasamang bagay pero hindi natin sila masisisi kung bakit nila ito nagawa, dahil sa mga tao na nagnanakaw sa mga tulong na sana'y kanilang napapakinabangan.